Friday, March 12, 2010

AFRAID OF THE DARK


Hindi ko na nadatnan ang aking kapatid pagdating ko sa bahay kaninang madaling-araw galing sa office. Sabi ko, "Wohoo! Pagkakataon ko na sh*t!" Wala akong bantay kaya medyo masaya-saya ako kasi magagawa ko kahit anong gusto ko. Haha

Pero syempre di ko naman alam na umalis ang kapatid ko papuntang Pangasinan kaya di ako nakapag-uwi ng chikas. Napag-isipan kong matulog na lang kasi pagod din ako sa work at may meeting pa ako mamayang hapon. Magulo ang room na nadatnan ko kaya inayos ko pa ng konti.

Nung tapos na sa pag-ayos eh yun na, ready to fly na ako sa dreamland. Pinatay ko na ang ilaw at humiga. Konting paikot-ikot sa kama para maging komportable. Nung ok na ako, naisip ko pucha angdilim!

Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Hindi lamig ang dahilan! Natatakot ako. Waaah ayokong may magpakita sa akin kaya nagtakip na lang ako ng kumot.

Di na pala ako sanay na mag-isa sa bahay. Nyemas, nerbiyos at takot ang nasa isip ko. Ni hindi nga tumatayo si *toot* (Haha! Ang halay!) kapag takot ako eh.

*Sigh* Sana bumalik agad ang kapatid galing sa lamyerda nila o kaya makahanap ng sasama sa akin! Kaya ang siste, pinagtiisan ko na lang ang flashlight na ginawa kong dim light. Hayun, ubos ang battery.


Galing dito ang image: http://images.dpchallenge.com/images_challenge/0-999/467/800/Copyrighted_Image_Reuse_Prohibited_309644.jpg


12 comments:

  1. Gamitin mo ang ibang level na imahinasyon mo para ma-overcome ang scary shit thingy mo. Para tumayo narin manoy pag may masaya na ang tumakbo sa isip mo. :-D

    ReplyDelete
  2. hala ka.... may multo.... boooo!!!!

    ReplyDelete
  3. Think sex. Think sex. Think sex. Yun lang, pagtapos na, back to scared mode ka na uli. Goodluck. Mag-uwi ka na lang ng kasama.

    ReplyDelete
  4. jepoy at glentot, grabe talaga kayong mag-isip. ang hahalay! kino-corrupt nyo ang innocent minds ko! hahaha!

    Chinggoy: walang kwentang pananakot. hahaha! *peace sign*

    ReplyDelete
  5. So nandito pala ang tatlong itlog?(Jepoy, Glentot at Chinggoy?)

    Pre wag kang gaanong magpapaniwala dyan, myembro ng budol budol gang yan! Hahhaah

    Ingat parekoy!

    ReplyDelete
  6. @Drake: sinabi mo pa kaya wag ka din masyadong magpapaniwala dyan ha? payong kapatid lang. haha!

    ReplyDelete
  7. tapang-tapangan. haha. ganyan din pakiramdam ko ng mga first few days ko na mag isa sa unit ko noon. nasanay kasi akong kasama family ko. -- (my blog) moreducation.weebly.com

    ReplyDelete
  8. @random: kakapanibago di ba? gusto ko ngang mag-sarili pero naisip ko, ganito pala mag-isa. haha!

    ReplyDelete
  9. minsan ganyan din ako pero nabu bwisit ako sa sarili ko kasi tinatakot ko lang sarili ko kahit wala naman talaga nagpapakita

    ReplyDelete
  10. @ domjullian: mabuti nang wala kang makita hehe. ma-post nga yung moomoo sa resort na nakunan ko....

    ReplyDelete
  11. @domjullian: bwisit di ba? parang iniimagine mong may magpapakita sa tabi mo pero wala naman.

    @random: dali post mo na at magkatakutan na. lols!

    ReplyDelete
  12. sanay ako matulog mag isa at sa dilim, walang bintana ang kwarto ko! actually im planning na bumukod at mag sarili' malapit na yun : D

    ReplyDelete

tuff it out and leave a footprint :)