Friday, August 20, 2010

QQ #01

When was the last time you fell in love?

You know that it's the right love but apparently, you have to take separate ways because you have to consider some certain circumstances.


- Posted using BlogPress from my iPhone

Monday, August 9, 2010

Masarap Magmahal

Nagpapa-antok na ako habang nagbabasa ng blog nung napadaan ako sa post ni Roanne. Masarap daw maging single. Ay naku aprub na aprub ako sa mga sinabi nya... pero noon yan! Ahahaha!

Kaya on the contrary of Roanne's post eh magbibigay naman ako ng dahilan kung bakit masarap ang may hubby/wifey o anumang tawag nyo sa isa't-isa:

Masarap sa pakiramdam kung may magtatanong sau at mangangamusta ay the end of the day.

Masarap kumain na may kasama lalung-lalo na kig kasalo mo ang mahal mo. Ang simpleng ulam eh nagiging bonggang-bongga. Lol!

Mas mahimbing ang tulog kung may kayapos ka, unless, madumi ang pag-iisip mo na gaya ni Drake, Jepoy at Glentot! Hahaha!

Masaya pag naglalakad ka na tipong HHWW na may PSSP o kaya naman kaakbay.

Kung umuulan, ok lang na mabasa kayong dalawa kasi iisa lang ang payong nyo, yubg maliit pa.

Masarap sa pakiramdam ang pagpa-plano ng future- pamilya, sariling bahay, etc.

Masayang magbakasyon lalu na kung kayong dalawa lang. Parang honeymoon kumbaga.

Sabi nga ni Roanne na masarap maging single, oo, aminado ako dun kasi madaming bagay ang pwede mong gawin. Pero masarap pa din naman ang may partner sa buhay, sing-sarap ng luto ni Nanay (connection?!). Hehehe

PS: tinatamad na akong mag-blog pero kating-kati naman akong magsulat. Ano daw?!!!

- Posted using BlogPress from my iPhone