Sunday, March 13, 2011

DOMESTICATED




Pakiramdam ko masyado na akong domesticated sa mga nakaraang araw. Dahil sa paglipat ko sa bagong bahay, mas nae-enjoy ko na ang mamalagi na lang dito kaysa sa paglalabas o paggimik.

Kung wala ako sa office o sa gym, malamang nasa bahay lang ako. Madalas eh nagluluto ng breakfast, lunch at dinner. Nakakatuwang isipin na madami akong natutunang lutuin, pilit ko na din kasing iwasan ang fast food.

Yung pagiging obsessive compulsive ko eh bumalik na din. Ayoko ng makalat at maalikabok na bahay kaya walis dito, punas dun, dapat din laging malinis ang pinakaimportanteng parte ng bahay – banyo. Hehehe.

Anyway, di pa ako nakakapag-house warming. Balak ko sana pag may oras na at kung may budget na din. Lol! At syempre, hindi makukumpleto yun pag wala kayong dadalhing gamit. Heto nilista ko lang naman ang mga kulang pa sa bahay ko:

  • Microwave oven
  • 32" LCD TV
  • Coffee maker
  • Toaster
  • Corner lamp
  • Washing machine
  • Comforter set
Di ko naman sinabing isang tao lang ang magbibigay ng mga yan, pwede kayong hati-hati. Bwahihihi!


Kthnxbye!

8 comments:

  1. wala akong maibigay. mag dodonate na lang ako ng food para sa house warming party mo hehe ^^ nice house ha! ^^ bachelor life

    ReplyDelete
  2. nabigay ko na yung housewarming gift ko sa inyo ha!

    yung recipe ko ng sinigang!

    yun na yun.

    K...tnx...bye.... hahahaha

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaaaaaaaah. grabehan naman ang mga gift na yan kuya! ang bibigat sa bulsa. hihi

    ReplyDelete
  4. ang cute ng bahay bahayan mo! hihihi!! babae na lang ang kulang,hehehe

    ReplyDelete
  5. @sendo: sige akin na yung dodonate mong food! haha!

    @YJ: puki mo, walang kwentang recipe, mas masarap pa ang sinigang ko sayo!

    @Nimmy: mura lang kaya yan, idivide mo into 12mos eh nasa 500 lang sya. hahaha!

    @poks: salamat ate poki! honga kaya magpapayaman muna me bago yan. aanhin ang babae kung andyan na ang trabahong super demanding. lol!

    ReplyDelete
  6. @bulakbulero.sg: maganda nga pero nagdidildil na lang ako ng asin dahil dyan. LOL!

    ReplyDelete
  7. nyahaha
    mahal ng wish list natin, ah

    ReplyDelete

tuff it out and leave a footprint :)