Sunday, December 5, 2010

BALIK PAGKABATA



 "May magic 8-ball ditto sa toys r us!", text sa akin ni blogger na ayaw magpakilala kaya tatawagin na lang natin syang ninong doraemon. Lol!

Matagal na din kasi kaming naghahanap ng toy na yun kaya na-excite naman ako pero on the other side eh malungkot kasi wala sya sa budget ko. Tig-500 din kaya yun.

si ninong doraemon na binilhan ako ng magic-8 ball. bwahahaha!
Inabutan ko si ninong doraemon sa Toys R Us na namimili na. Nagre-retail therapy nga sya ng mga toys! Hehehe. Nung nakita ko syang may bitbit nang Magic-8 ball eh nainggit ako ng slight.
toys r us galleria

"Ninong Doraemon, pabili naman nyan!", sabi ko sa kanya.

"Sige kuha ka na kahit ilan pa!", syempre tuwang-tuwa ako sa sagot nya! Wheeee meron na akong magic-8 ball! Hahaha!

Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Dami kong gustong bilhin na toys kasi wala ako ng mga ganito nung bata ako. Isa lang kasi akong batang pinalaki sa payak na pamumuhay di gaya ni Glentot, Jepoy, Gasulito, Ahmer, Roanne at maraming pang iba. Haha!

si tatay masayang nakikipaglaro sa anak sa loob ng store. 

floating globe, I want it so bad!

Hongondo talaga ng toy store at babalik ako dito sa makalawa para makabili ng gifts para sa mga pamangkin ko. Santa mode ulet ako pag ganitong Holidays.

Syempre, habang papauwi ako eh di na ako nakatiis na magtanong sa bola:

Q1: Makakapunta na din ba ako ng Singapore next year? à My sources say NO.
Q2: Pero makakapag-abroad na ba ako? à YES definitely. à so ibig sabihin, hindi ko matatagpuan sa Singapore ang future job ko. Baka Europe na ito! Woot!
Natuwa namana ko ng slight kaya pinagpatuloy ko ang pagtatanong. In Fairview naman kasi consistent ang mga sagot nya. Hahaha! Pero syempre, nasa akin pa din ang bola para pagdesisyunan ko ang future ko.
Q3: Mananalo na ba ako ng lotto? à YES à aba aba aba! Makataya nga bukas. Hahaha!
Q4: Mapo-promote ba ako ulet next year? à My answer is NO. à ouch naman.
Q5: Magiging kami ba ni *insert name here*?
   à Reply hazy, try again. à so inulit ko.
   à Concentrate and ask again. à inulit ko ulit!
   à At sa pangatlong pagkakataon, ang sagot nya à DON'T COUNT ON IT.
Hayun, binato ko na lang sya sa pader. Hahahahahaha!

10 comments:

  1. Honglondeh ng post, talagang tinanong kung magiging sila ni ****** sa Magic-8 Ball? Hehe ligawan mo na kasi. Good luck! :)

    Ninong Blogger, parang gusto ko din ng Magic-8 Ball. Hehehe. :)

    ReplyDelete
  2. ano k ba andy sabi ko sa iyo wag mong sasabihing umuwi ako ng pinas!Hays!

    LOLS

    ReplyDelete
  3. sino yung tinutukoy mo sa #5? haha wala lang usisero lang haha

    ReplyDelete
  4. Wow, nakaka-miss yan! Meron akong ganyan dati, pero nawala na. Sira na rin kasi nagkabutas at nagleak yung tubig sa loob.

    ReplyDelete
  5. @kermit: hindi si ******. si **** yung tinutukoy ko. lol!

    @drake: sus, sa kakuriputan mong yan bibigyan mo ako ng gift? tigilan! lol!

    @citybuoy: sikretong malufet :p

    @ahmer: gaya-gaya ka naman eh. hehehehehe!

    @will: bili ka ulet ng bago o kaya pabili ka kay ninong blogger. lol!

    ReplyDelete
  6. oi!!! gusto ko din ng magic 8 ball! alam mo bang matagal na akong naghahanap nyan..
    saka ung floating globe thingy. i want that unnecessary thing, haha

    ReplyDelete
  7. akala ko sa billiard yan..tsuri naman at tanga ako sa ganyan! ahahaha manghuhula pala yan!! hihihi

    ReplyDelete
  8. tanginang magic eight ball yan.... binasag ko din yung sakin... hindi ko daw machuchupa yung crushie kong blogger eh! NEVER DAW!

    ReplyDelete

tuff it out and leave a footprint :)