Wednesday, December 22, 2010

PAGKAKATAON

 Five for Fighting - Chances .mp3
Found at bee mp3 search engine
Kung nakilala ka ba nya ng mas maaga, kayo pa rin ba kaya?
Naipaglaban ka pa din nya kaya kung ikaw ang mas nauna kang naging kanya?

Paano kung lumabas ka ng tinuluyan mong hotel at nagkataong palabas din sya ng pinto para pumasok sa opisina? Magkatapat lang kasi mga pinto ninyo?

Ano kaya mararamdaman mo kung ikaw ang pinili nya? Matutupad pa kaya mga pangarap mo?

*****
Kay tagal mong inantay ang pagkakataon na 'to.

Kung pinalagpas mo, magiging masaya ka pa kaya sa mga sandaling ito?

Paano kaya kung hindi ka nagkamali sa nauna, makikilala mo pa kaya sya?

Kakaiba ding maglaro ang tadhana di ba?

*****
Takot ka bang sabihin sa kanya ang iyong nararamdaman?

Paano kapag ito na lang ang pagkakataon mong magsabi sa kanya?

Papalampasin mo pa ba o hayaan mo na lang na maiwan?

Hindi kaya baka mas lalo kang magsisi kung hindi mo nasabi sa kanya?



Madaming mukha ang pagkakataon. Ikaw, kung darating yun papalampasin mo pa ba? Malamang sasabihin mong oo subalit minsan mapaglaro ang tadhana...
 

8 comments:

  1. @kermit: di ko pa tapos i-edit! ambilis mong magcomment! lol!

    ReplyDelete
  2. ahem ano to? hehehe

    ganun yata talaga pag hindi para sa'yo, kahit pa mag effort ka o magsawalang kibo kikilos pa rin ang tadhana para sa kung ano yung destined na mangyari. kaya nga siguro dun sa mga pagkakataong yun dun tayo nanghihinayang, para pag andyan na yung para sa'yo, ittreasure mo na :)bow

    ReplyDelete
  3. parang maihahambing mo ito sa isang bulaklak.
    huwag mo syang pipitasin kung itatapon mo lang o di mo aalagaan. kasi di na magkakaroon ng isa pang tulad nya.

    kaya wag kang pipitas kung di ka pa handa.
    para ang pagkakataon na para sa iba ay di masayang...

    ReplyDelete
  4. natawa ako sa comment ni ahmer, may pinanggagalingan ba itwu?! LOL

    ReplyDelete
  5. gustuhin ko mang seryosohin ang post na ito...

    putang ina naman ang rofile pic mo!

    bwisit lang!

    WV: sycho --- sira ulo ka daw!

    ReplyDelete
  6. Anong meron???

    At bakit may bulaklak bulaklak pang nalalaman si Ahmer?Hahhahaha!

    So kailangan palang maghanda bago pumitas ng bulaklak!Okay maghahanda ako ng litson!hahaha!

    Ingat

    ReplyDelete
  7. Hello. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

    http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

    Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks and Merry Christmas! :)

    ReplyDelete

tuff it out and leave a footprint :)