Thursday, December 30, 2010

Sunday, December 26, 2010

THE REUNION

i have this dilemma last night on the 6 dinner invites i got. isa sa bahay ng high school friend ko, 3 from the relatives, 1 from the neighborhood at isa sa mga childhood friends ko.

so i weighed the pros and cons - kung saan mas masaya at may inuman. LOL! siyempre, pinili ko ay yung sa mga childhood friends ko kasi may videoke and nomnomnom. tagal na kayang hindi nadadaluyan ng alcohol ang lalamunan ko. #AkoNaAngLasinggero.

isang backflip at cartwheel lang naman ang layo nila sa mansion namin kaya hindi problema ang pag-uwi ng late. pagdating ko sa bahay nila, gawd hindi ko na sila mamukhaan! sa limang taon naming di pagkikita-kita, ang mga dating uhuging bata ay ampucha may mga anak na!

ang mga kalaro ko ng buhangin lang nun ay kaharap ko na sa inuman. ;-)

lemon drop shots! 

as usual, nagtanong nanaman sila kung kelan ang ako mag-a-asawa. i just replied, "i can feel the pleasure pressure right now!"

anyway, i really enjoyed the bijoke last night. i scored two 100 points on "Closer You and I" and "Bongga ka Day (so 70's)". i think i can really start my singing career now. as in now na! :)

merry christmas sa inyong lahat! hindi naman ako late sa pagbati dahil araw-araw ay pasko. naks!

Saturday, December 25, 2010

KWENTO NG ISANG KID AT HEART SA ARAW NG PASKO


AKO NA ANG MAY MAHABANG TITLE SA POST! LOL!



Kahit medyo hindi naging maganda ang araw na ito, I still welcomed and celebrated the Christmas Day with a smile on my face. Thanks to my friends who kept me company through texts and instant messaging.

Nagkaroon lang ng kaunting problema sa bahay which made me wept a bit nung nasa dinner table ako at magisang kumain. Buti na lang at ako lang mag-isa dun, I just hate dramas. Anyway, I need to look on the brighter side instead, it's Christmas after all!

Kagabi ay nagsimula ko nang i-wrap yung mga Christmas presents ko sa mga bata kong pamangkin at pinsan. Nakakagaan lang ng pakiramdam kasi alam mong matutuwa sila sa mga toys na binabalot ko sa kanila. Pero sabi nga sa akin ni mommy na huwag ko na lang daw ibalot, pero syempre mas gusto ko yung may element of surprise.

Sa sobrang katuwaan ko eh pinagtuunan ko ng oras ang bawat regalo, ayokong kasing parang mediocre lang ang pagkakabalot. Hayan tuloy, inabot ako hanggang madling araw sa pagbabalot at nakatulog na din ako sa mesa habang tumutulo ang laway.

At kaninang hapon ay umalis na ako ng bahay para ihatid na ang mga regalo. Medyo malayo lang dahil sa kabilang bayan pa sila nakatira at nakakastress ang pag-drive kasi traffic. Madami pa rin kasing humahabol sa Christmas rush. Subalit, hindi ko na lang pinansin dahil sa excitement ko na ding makita ulit ang mga bata.
Pagdating naming sa bahay ng lola ko ay sakto lang, andun silang lahat. Siyam silang mga bulilit na makukulit at di ko na rin makabi-kabisado ang mga pangalan nila kaya yung iba eh walang name tags. Kawawang bata. LOL!

Sa nakita kong ngiti sa kanilang mukha ay hindi ko na talaga naisip ang mga problemang naiwan sa bahay. Masaya na akong makita ang mga batang ito na natutuwa sa mga natanggap na regalo.

Napaisip tuloy ako, buti pa ang mga bata, sa simpleng mga regalo ay masaya na sila. Mga simpleng bagay ay ok na sa kanila. Simple lang din ang mga problema gaya ng paano lumilipad yung ibon, bakit kulay blue ang langit, bakit masarap ang chocolates, etc.

Namiss ko na tuloy ang mga Pasko nung bata pa ako na kung saan tuwang-tuwa na ako sa isang balot ng Moby at Tosquitos na bigay ng nakabunot sa akin. Pero sabagay, kid at heart pa din naman ako. J


PS: tawa ako ng tawa sa video na to, salamat kay Victor. :D

Personalize funny videos and birthday eCards at JibJab!

Wednesday, December 22, 2010

PAGKAKATAON

 Five for Fighting - Chances .mp3
Found at bee mp3 search engine
Kung nakilala ka ba nya ng mas maaga, kayo pa rin ba kaya?
Naipaglaban ka pa din nya kaya kung ikaw ang mas nauna kang naging kanya?

Paano kung lumabas ka ng tinuluyan mong hotel at nagkataong palabas din sya ng pinto para pumasok sa opisina? Magkatapat lang kasi mga pinto ninyo?

Ano kaya mararamdaman mo kung ikaw ang pinili nya? Matutupad pa kaya mga pangarap mo?

*****
Kay tagal mong inantay ang pagkakataon na 'to.

Kung pinalagpas mo, magiging masaya ka pa kaya sa mga sandaling ito?

Paano kaya kung hindi ka nagkamali sa nauna, makikilala mo pa kaya sya?

Kakaiba ding maglaro ang tadhana di ba?

*****
Takot ka bang sabihin sa kanya ang iyong nararamdaman?

Paano kapag ito na lang ang pagkakataon mong magsabi sa kanya?

Papalampasin mo pa ba o hayaan mo na lang na maiwan?

Hindi kaya baka mas lalo kang magsisi kung hindi mo nasabi sa kanya?



Madaming mukha ang pagkakataon. Ikaw, kung darating yun papalampasin mo pa ba? Malamang sasabihin mong oo subalit minsan mapaglaro ang tadhana...
 

Monday, December 20, 2010

THANK YOU!




130 kids and kids at heart

130 jollibee chickenjoy and spaghetti meals

more than a hundred toys shared

boxes of crayons to color their world

packs of candies and chocolates given

a stand fan and a wall clock for the day care center

a big smile painted on everyone's face


 

xièxie!

terima kasih!

salamat!

agyaman kami amin!

thank you!


 

a Time to Give Back project was a success. i want to thank all of you who supported this project and may you have more blessings to come.


let's plan for another round next year! :)

Wednesday, December 15, 2010

RUSH HOUR

Rush hour ba kamo at ayaw mong sumakay ng MRT kasi maarte much ka at dahil siksikan? Eh pano pa sila:

Thursday, December 9, 2010

TO MY MS. UNIVERSE

to the one who cooks pinakbet everytime i go home...
to the one who checks me from time to time if i'm at work already...
to the one who asks for Coach bag on her birthday (sorry, di ko afford! lol)...
to the one who asks for a birthday cake from his most handsome prince...
to my Ms, Universe ng puso ko...

HAPPY BIRTHDAY, MOMMY! :)

juma-jump shot! go!

Sunday, December 5, 2010

BALIK PAGKABATA



 "May magic 8-ball ditto sa toys r us!", text sa akin ni blogger na ayaw magpakilala kaya tatawagin na lang natin syang ninong doraemon. Lol!

Matagal na din kasi kaming naghahanap ng toy na yun kaya na-excite naman ako pero on the other side eh malungkot kasi wala sya sa budget ko. Tig-500 din kaya yun.

si ninong doraemon na binilhan ako ng magic-8 ball. bwahahaha!
Inabutan ko si ninong doraemon sa Toys R Us na namimili na. Nagre-retail therapy nga sya ng mga toys! Hehehe. Nung nakita ko syang may bitbit nang Magic-8 ball eh nainggit ako ng slight.
toys r us galleria

"Ninong Doraemon, pabili naman nyan!", sabi ko sa kanya.

"Sige kuha ka na kahit ilan pa!", syempre tuwang-tuwa ako sa sagot nya! Wheeee meron na akong magic-8 ball! Hahaha!

Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Dami kong gustong bilhin na toys kasi wala ako ng mga ganito nung bata ako. Isa lang kasi akong batang pinalaki sa payak na pamumuhay di gaya ni Glentot, Jepoy, Gasulito, Ahmer, Roanne at maraming pang iba. Haha!

si tatay masayang nakikipaglaro sa anak sa loob ng store. 

floating globe, I want it so bad!

Hongondo talaga ng toy store at babalik ako dito sa makalawa para makabili ng gifts para sa mga pamangkin ko. Santa mode ulet ako pag ganitong Holidays.

Syempre, habang papauwi ako eh di na ako nakatiis na magtanong sa bola:

Q1: Makakapunta na din ba ako ng Singapore next year? à My sources say NO.
Q2: Pero makakapag-abroad na ba ako? à YES definitely. à so ibig sabihin, hindi ko matatagpuan sa Singapore ang future job ko. Baka Europe na ito! Woot!
Natuwa namana ko ng slight kaya pinagpatuloy ko ang pagtatanong. In Fairview naman kasi consistent ang mga sagot nya. Hahaha! Pero syempre, nasa akin pa din ang bola para pagdesisyunan ko ang future ko.
Q3: Mananalo na ba ako ng lotto? à YES à aba aba aba! Makataya nga bukas. Hahaha!
Q4: Mapo-promote ba ako ulet next year? à My answer is NO. à ouch naman.
Q5: Magiging kami ba ni *insert name here*?
   à Reply hazy, try again. à so inulit ko.
   à Concentrate and ask again. à inulit ko ulit!
   à At sa pangatlong pagkakataon, ang sagot nya à DON'T COUNT ON IT.
Hayun, binato ko na lang sya sa pader. Hahahahahaha!

Saturday, December 4, 2010

HAVE YOU SEEN MY GLASSES?



I'm getting forgetful already especially with my eyeglasses. I am not so sure why I always remember where I put my keys but not with my glasses.

Every time I go out of the bathroom, expect me looking for my spectacles. Minsan nakakalimutan ko na nasa loob pala ng banyo, or placed it in front of the tv, or on left it on my bed.

Earlier, when I'm finished freshening up before hitting the bed, I was looking again for my eyeglasses. It's nowhere to be found to the locations where I usually put it.

I gave up, probably it's just there sitting around and I'll just look for it tomorrow.

Then I opened the fridge and my spectacles were there sitting on the eggs. Damn, sign of aging!