Monday, August 9, 2010

Masarap Magmahal

Nagpapa-antok na ako habang nagbabasa ng blog nung napadaan ako sa post ni Roanne. Masarap daw maging single. Ay naku aprub na aprub ako sa mga sinabi nya... pero noon yan! Ahahaha!

Kaya on the contrary of Roanne's post eh magbibigay naman ako ng dahilan kung bakit masarap ang may hubby/wifey o anumang tawag nyo sa isa't-isa:

Masarap sa pakiramdam kung may magtatanong sau at mangangamusta ay the end of the day.

Masarap kumain na may kasama lalung-lalo na kig kasalo mo ang mahal mo. Ang simpleng ulam eh nagiging bonggang-bongga. Lol!

Mas mahimbing ang tulog kung may kayapos ka, unless, madumi ang pag-iisip mo na gaya ni Drake, Jepoy at Glentot! Hahaha!

Masaya pag naglalakad ka na tipong HHWW na may PSSP o kaya naman kaakbay.

Kung umuulan, ok lang na mabasa kayong dalawa kasi iisa lang ang payong nyo, yubg maliit pa.

Masarap sa pakiramdam ang pagpa-plano ng future- pamilya, sariling bahay, etc.

Masayang magbakasyon lalu na kung kayong dalawa lang. Parang honeymoon kumbaga.

Sabi nga ni Roanne na masarap maging single, oo, aminado ako dun kasi madaming bagay ang pwede mong gawin. Pero masarap pa din naman ang may partner sa buhay, sing-sarap ng luto ni Nanay (connection?!). Hehehe

PS: tinatamad na akong mag-blog pero kating-kati naman akong magsulat. Ano daw?!!!

- Posted using BlogPress from my iPhone

11 comments:

  1. gusto mo talagang mag comment ako dito?! BWahahahahhaha!

    ReplyDelete
  2. Hayup ka ni-name drop mo pa ang napakalinis kong pangalan at dinungisan mo ahihihi palibhasa inlove ka

    ReplyDelete
  3. Bat naman ako nadamay dito... Nananahinik na nga ako sa sulok... Haha kaya ko sinulat un kasi namimis ko na gawin ung mga un hehe

    ReplyDelete
  4. Masarap maging single, but only up to a certain extent. :)

    ReplyDelete
  5. @Jepoy: hayan nag-comment ka na. HMPF!!!!

    @glentot: sus! ang linis-linis mo! ihahaplos ko na sayo ang panyo ko!

    @ahmer: HHWW (holding hands while walking) with PSSP (Pa Sway Sway Pa)

    @Roanne: sus bakit sa previous post mo eh naghahanap ka ng jowa? haha!

    @Gas: tama ka dyan! :)

    ReplyDelete
  6. Pwede kang mamigay ng saya sa kalsada. Hehe.

    ReplyDelete
  7. ayokong magcomment dito! hahaha
    sobrang for "select people" lang ang post na ito. =p

    ReplyDelete
  8. hindi naman talaga masarap maging single! mas masarap pa rin ang may niroromansa bago matulog at may kayakap sa paggising!

    unang beses ko ata dito? nakikidaan at nakikiepal lang ho!

    ReplyDelete
  9. masarap din maging single pero walang tatalo kapag meron ka nang partner sa buhay :D

    nakikibasa :)

    ReplyDelete
  10. I agree and disagree na masarap ang may asawa.

    aminin natin, its a double edged sword.

    pag may-asawa ka, may nagaalaga sayo. may nag-aalala sayo.

    peron siya din ang nagagalit sayo sa mga maliliit na bagay. siya din ang magagalit sayo kung nauna pang nag Lupang Hinirang ang mga stations sa tv kesa sa paguwi mo.

    Masarap na nakakainis na mahirap.

    ReplyDelete

tuff it out and leave a footprint :)