Monday, January 31, 2011

LOCATION: CUSP


i always feel like i'm on a race aiming for the number 1 spot.
primera. segunda. quinta. faster than the speed of sound.
i shift gears in just a snap, i don't mind going in between.
i enjoyed the swift and feel like dancing in trance,
until i realized desolation kicked my ass.

i need to slow down.
i'll stay for now in the cusp.

Thursday, January 27, 2011

LEZGOW!

I love traveling and one of the things I do when I go to foreign lands is what they can offer eve when I go on budget trips. Local delicacy is a must and their EXTREME adventures should be tried.

In the last few years, I like the feeling of popping my adrenaline rush to the sky. Here are the 2 videos which I took before taking the ride.

HK Ocean Park's The Abyss

Singapore's GMAX Extreme Bungee

Pero dahil sa medyo parang pambata pa ang mga nasa taas, I am planning to do this probably in the next couple of years at kapag nakaipon na. Hehehe.

Macau Tower Bungee Jump

Kuala Lumpur Base Jump

Lezgow! :)

Monday, January 24, 2011

MEET MY BABY


When I first saw her on the TV, I was one of worst critics. Sinabi ko pang mabilis lang sya malaos kasi puro sya ganda sa panlabas at wala sa panloob.

Pero tignan mo nga naman ang pagkakataon, I fell in love with her and loving her more and more everyday touching her. J


P.S.: High-maintenance GF pala sya, kelangang laging may damit para hindi sya magkapeklat at hongmohol ng accessories nya. Kaya ngayon, hubo't-hubad muna sya! Haha!



- Posted using BlogPress from my iPad

Friday, January 21, 2011

Gimme A Break

Simula ata nung pumasok ako nung January eh natatameme na lang ako sa tapat ng computer ko. Kung magkakaroon lang ng competition ng staring game sa monitor eh nanalo na ako. Hindi ko kasi alam kung bakit anong nangyari sa ginawa kong development sa project ko, bigla na lang nagkawalaan at nagka-luko-luko ang programming nya. Hayan tuloy, napagalitan tuloy ako ng business.

Anyway, dahil Friday naman, babawi na lang ako sa pagtulog this weekend at kung meron pang party party ay mas masaya. Gusto ko tuloy umeskapo dito sa office mag TUGSH TUGSH TUGSH na lang sa beat ng Yeah 3X ni Chris Brown.


Happy weekend sa inyong lahat!

Thursday, January 13, 2011

MENDIOLA BOY





Pauwi na ako galing sa bahay ng isang kaibigan para paunlakan ang kanyang paanyayang hapunan. Marahil sa madami na din akong iniisip at sa masamang pakiramdam ko, sumakay na lang ako ng jeep na byaheng Quiapo. Hindi ko na napansin kung saang ruta ito dadaan.

Nasa bandang LRT Pureza na kami nung nagtawag ng pasahero ang driver at sinisigaw ang Mendiola. Patay ako, mali ang nasakyan ko. Hindi ito dadaan sa Legarda kaya madodoble ang pamasahe ko o kung sipagin ako ay maglalakad ako ng malayo-layo.

Pero bigla na lang may maganda akong naisip. Marahil dahil sa hindi naman ako nagmamadaling umuwi ay pwede akong maglakad-lakad sa kalyeng pinamugaran ko din ng apat na taon para magsunog ng kilay.

Pagdating namin sa korner ng Mendiola at Aguila, bumaba na ako. Pinagmasdan ko ang mga pagbabago na dinulot ng panahon. Dumami na din ang mga mangangalakal sa bandang iyon. Resto, fast foods, banko at kung anu-ano pa.

Sa tinagal-tagal ko din sa lugar na iyon, naglipana ang mga memories nung ako ay isa pang Mendiola boy. Ito yung mga unang pagkakataong talagang tumatak sa aking isipan at humubog sa aking kamalayan.

Naranasan ko ng tumakbo na suot lang ang adult diaper para sa initiation rites. Isa itong seremonya para i-welcome kaming mga first year sa San Beda. Nakasulat pa sa likod ko nun ang aking cellphone number, baka sakaling may mag-text na taga-CEU o Holy Spirit o LaCo. Tsamba! Hehe.

Kung merong kantunan ang mga Intramuros-based universities, meron din kaming tinatawag na Hepa Lane sa may Mendiola Creek. Dito kami tumatambay pag bandang dapit-hapon para kumain ng kwek-kwek, beda burger, isaw at kung anu-anong tusok-tusok habang naamoy ang baho ng creek. Kebs na lang kahit naka-long sleeves and tie kami habang kumakain, pag paubos na ang baon, dun ang takbuhan naming madalas.

Meron ding sikat na kainan na tinatawag naming Haunted House. Sa halagang P15 eh solve na ang gutom – sabaw, kanin at tatlong pirasong pork adobo. Box office hit din dito ang kanilang calamares, mura kasi sya pero punong puno ng harina. Ginagawa na lang naming ay ulamin ang harina.

Sa Mendiola ko din unang nakakipag-lips to lips kay yosi. Nangyari ito pagkatapos ng exam ko sa law. Dahil sa sobrang stressful ang exam, pinasubok sa akin ng classmate ko para daw marelax ako. Ngayon, napapayosi na lang ako occasionally, ayoko naman kasing maging chain smoker ako.

Sa isang madilim na sulok ko din unang natikman ang sex.

Madami pa sana akong ikukwento kaso napahaba na ng husto. Alam ko naman kasing mag-i-skip read nanaman si Glentot at si Ahmer at si Jepoy. Ampf!

Friday, January 7, 2011

BACK TO WORK




Sabi ko sa previous post ko kung gaano ko ni-enjoy ang tatlong linggong bakasyon ko. Today, it's payback time, it's my first workday for this year and I already anticipated na magiging super busy ako.

I switched on my laptop, opened the outlook and all my other accounts except the social networking sites. I went to the pantry to get my daily dose of vitamin c – COFFEE!

And bang! Pagbalik ko sa desk ko after five minutes, I saw my unread emails na umabot ng 400+ at napuno na din ang mailbox so I expected na meron pang mga darating which was correct. Damn damn damn!

Kaya today, intolerable na ang stress level. Isama pa ang mga escalations at project issues… L

Sigh! Never will I do again extending my holiday break.


 
Kthnksbye!

Tuesday, January 4, 2011

EXTENDED VACATION

dahil ni-extend ko ang holiday break ko ng tatlong araw (nabitin kasi ako halos tatlong linggo naming company shutdown) ay sinuper sulit ko na! kahapon, kasama ko ang aking mga fwends ay kinaladkad nila ako sa kanilang tour. heto ang ilan sa mga kuha ko. :)

 
breakfast @ rosewell

pristine view of the pagudpud shoreline

into the blue

the long and winding patapat viaduct

paraiso ni anton

the windmill farm replica

the cape bojeador

staircase to heaven

pagtanaw sa dapithapon (emo shot)

the pornstar (kayo na ang payat!)

There is one picture here taken from a camera phone. Kung sino ang unang makakahula, bibigyan ko ng windmill keychain at kung suswertehin ay yung mas malaking replica na nasa taas at kiss from the pornstar (ehem!).

"mini me" keychain

Kthanksbye!

Sunday, January 2, 2011

4 YEARS AGO…


Disclaimer: 'Yung mga magagaling manlait, magbagong buhay na kayo!
*Haters-shield ON!*


…mukha pala akong adik.

Pinauwi kasi ng nanay ko yung pagkamahal-mahal naming yearbook. Oo, limang-libo ang pinaguusapan natin sa hardbound sh*t na papel de lihang ito. Kaya kaninang umaga, napagkatuwaan kong basahin ulit ang pagka-gondo-gondong write up sa akin:
"He is a good son and a friend whom we can always count on. Our first impression was that he was a very serious person, holding a pile of books all the time. But we soon found out that he's a full of life and compassion, and fun to be with. Gwapo pa!"
Kakaaliw lang! haha! Buhat banko much? #akonatalaga!

At siyempre, ikaw ba naman kasi ang mukhang anghel:

creative shot para yearbook namin! honggwopo talaga uy!

 Pero dahil hirap na akong i-juggle (parang bote lang) ang acads at extra curriculars nung fourth year ay bumaba ang aking pogi points. Tigyawat, eyebags, payatot, bad hair days bwakanang sh*t. Basta mukha talagang grumpy ampfota.

ito ang school org namin nun. mukha talaga akong adik ampf!

Ikaw ba naman kasi ang maghabol ng 1.75 na GPA? JOOOOKKKKEEEE! Bwahahahaha!

Kthanxbye!

Saturday, January 1, 2011

a time to give back (a year-end post)

I was midway finishing my year-end post when I scrapped the whole idea. I realized that I don't have to list down all the reasons why I should be grateful this year. Instead, I want to thank my friends whom I owe a lot for sharing their blessings to the kids and for giving as well the so much effort to make this project a success. Saludo ako sa inyo!

In 2010, life has been tough to some. Nevertheless, they didn't forget to give back which I really appreciate a lot. I really don't know how to pay you back but I hope that as you see the smiles painted on the faces of these kids, this is enough to melt our hearts. 

I made a simple slideshow of the pictures taken during the event.


Happy New Year! May God bless us!

Thank you also to the following good samaritans who helped us organize the project: Serdna Tunac, Grace Torqueza, Paul Acupan, Clifford Dumlao, Ella Castro and to the teachers of DSWD Day Care Center in Adams, Ilocos Norte.