Malapit na akong mag-isang dekada dito sa Manila. Ginugol ko lahat ito mula nung nagsimula akong pumasok ng college hanggang sa magkatrabaho.
Lahat naman siguro ng promdi na kagaya ko ay naranasan ang separation anxiety. Mahirap talaga kapag tinamaan ka ng ganitong sitwasyon. Yung mga taong pwede mo sanang takbuhan ay nasa malayo.
Hindi naging madali sa akin ang mag-adjust lalo na at perstaym kong masalta dito ng mag-isa. Putek, para akong baliw nun, meron akong notebook nun na maliit at nakalista kung ilang araw na lang ang natitira bago mag-sembreak. Minsan nga pag tinatawagan ako ng nanay ko sa telepono, umiiyak ako pero di ko pinapahalata sa kabilang linya. Nakakahiya! Haha!
Nakaraos din naman ako ng ilang buwan at nasanay na akong mag-isang mamuhay dito sa siyudad.
Subalit, datapwat, pero, ewan ko ba kung anong nakain ko kanina at bigla na lang ako naging emo. Bigla na lang akong nahomesick at gustung-gusto kong umuwi ng probinsya. Kung maaari lang sana kaso syempre kelangan ding isipin kung may budget at kung papayagan ba ako ng trabaho ko.
Sa totoo lang, sinisisi ko ang sarili kung bakit ako nagkaganito ngayon araw na to. Ikaw ba naman kasi ang humilata maghapon at walang gawin? Nagkaroon na ng rotation ang earth pero nasa kama pa din ako. Hindi ko man lang nasilayan ang tanawin sa labas. Ganun palagi ang dahilan kung bakit ako nahohomesick.
plane spotting at the rooftop. 1 departing and 1 on its final approach
Kaya ginawa ko, umakyat na lang ako sa rooftop, nag-plane spotting habang hawak ang isang bote ng beer at isang stick ng yosi. Ayos din kasi mahangin sa rooftop at tila pinawi ng hangin ang aking kalungkutan. Naks!
- Posted using BlogPress from my iPad
Lumabas labas ka naman kasi paminsan minsan at makihalubilo sa mga tao... hehehehhehe
ReplyDeletedumadating talaga yan. ako nga dalawang taon pa lang, araw-araw yatang nahohomesick :))
ReplyDeletewag ka kasing magmukmok diyan sa bahay mo, kaya nagiging emo ka eh
beer float tayo minsan, matuloy lang. LOL
relate na relate ako dito. Promdi din ako at na-culture shock ako sa Maynila during my 1st year in college. Grabe kasi kung makapagmura ang tao. hahahaha!
ReplyDeleteAng saya naman! Ganda ng view sa bubong nyo. hehe.
ReplyDeleteSame here! Promdi! Hanggang ngayon nasho-shock pa rin sa buhay Maynila. :)
hahha ang saya ng trip...ngayon lang ako napadpad dito dahil sa twitter ng kablogkada ko...follow kita tol dito at sa twitter...
ReplyDeletetime passes so fast, in no time youd get use to it.
ReplyDeletesabi ko tumalon ka nalang eh! tse!
ReplyDeletethere is no place like home
ReplyDeletethat doesn't help, right?
=P