Thursday, January 13, 2011
MENDIOLA BOY
Pauwi na ako galing sa bahay ng isang kaibigan para paunlakan ang kanyang paanyayang hapunan. Marahil sa madami na din akong iniisip at sa masamang pakiramdam ko, sumakay na lang ako ng jeep na byaheng Quiapo. Hindi ko na napansin kung saang ruta ito dadaan.
Nasa bandang LRT Pureza na kami nung nagtawag ng pasahero ang driver at sinisigaw ang Mendiola. Patay ako, mali ang nasakyan ko. Hindi ito dadaan sa Legarda kaya madodoble ang pamasahe ko o kung sipagin ako ay maglalakad ako ng malayo-layo.
Pero bigla na lang may maganda akong naisip. Marahil dahil sa hindi naman ako nagmamadaling umuwi ay pwede akong maglakad-lakad sa kalyeng pinamugaran ko din ng apat na taon para magsunog ng kilay.
Pagdating namin sa korner ng Mendiola at Aguila, bumaba na ako. Pinagmasdan ko ang mga pagbabago na dinulot ng panahon. Dumami na din ang mga mangangalakal sa bandang iyon. Resto, fast foods, banko at kung anu-ano pa.
Sa tinagal-tagal ko din sa lugar na iyon, naglipana ang mga memories nung ako ay isa pang Mendiola boy. Ito yung mga unang pagkakataong talagang tumatak sa aking isipan at humubog sa aking kamalayan.
Naranasan ko ng tumakbo na suot lang ang adult diaper para sa initiation rites. Isa itong seremonya para i-welcome kaming mga first year sa San Beda. Nakasulat pa sa likod ko nun ang aking cellphone number, baka sakaling may mag-text na taga-CEU o Holy Spirit o LaCo. Tsamba! Hehe.
Kung merong kantunan ang mga Intramuros-based universities, meron din kaming tinatawag na Hepa Lane sa may Mendiola Creek. Dito kami tumatambay pag bandang dapit-hapon para kumain ng kwek-kwek, beda burger, isaw at kung anu-anong tusok-tusok habang naamoy ang baho ng creek. Kebs na lang kahit naka-long sleeves and tie kami habang kumakain, pag paubos na ang baon, dun ang takbuhan naming madalas.
Meron ding sikat na kainan na tinatawag naming Haunted House. Sa halagang P15 eh solve na ang gutom – sabaw, kanin at tatlong pirasong pork adobo. Box office hit din dito ang kanilang calamares, mura kasi sya pero punong puno ng harina. Ginagawa na lang naming ay ulamin ang harina.
Sa Mendiola ko din unang nakakipag-lips to lips kay yosi. Nangyari ito pagkatapos ng exam ko sa law. Dahil sa sobrang stressful ang exam, pinasubok sa akin ng classmate ko para daw marelax ako. Ngayon, napapayosi na lang ako occasionally, ayoko naman kasing maging chain smoker ako.
Sa isang madilim na sulok ko din unang natikman ang sex.
Madami pa sana akong ikukwento kaso napahaba na ng husto. Alam ko naman kasing mag-i-skip read nanaman si Glentot at si Ahmer at si Jepoy. Ampf!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
saang sulok naman un? baka ung tapat pa ng St.Jude? :))
ReplyDeletetalagang magandang magbring back ng good memories pag di ka nagmamadali..w ahehehe
ReplyDelete@jake: dun lang sa gilid gilid! hahaha! joke lang yung line na yun. :p
ReplyDelete@Kiko: tama ka dyan. hehe.
ReplyDeletehahaha. talagang special mention ang skip readers kuya! hihi
ReplyDeletenatawa ako sa initian rites kuya! ano? naka-tsamba ka ba ng textmate? hihi
si Sheryl Cruz pala kumanta ng LSS ko...
ReplyDeletetinamad ako magbasa ng post mo, mukhang boring kaya di ko alam iko comment ko hahahahaha
fuck you
ReplyDeletehahaha. yun oh nagtagalog. nyahaha. tanong ko lang may nagtxt ba sayo nung tumakbo k ng nakadiaper? haha
ReplyDeleteBwahahhahah! Hepa lane, ayos yun ah! :) Wag kang gumagawa ng kabababalaghan sa mga sulok sulok at baka ma-surot ka :)
ReplyDeleteay ako d ako marunong magskipread hahaha!
ReplyDeleteanyway, nakakamiss din magreminisce ng mga ganyang moments... lalo na't unique yan sa university days. o di ba. so may nagtext ba syo? hehe
nagbasa ako kahit di ako makarelate kasi tubong mindanao naman ako..wala lang..nagbabasa lang haha..nacurious sa mendiola...pero dahil nurse raw ako..uu tama ka..wag mag chainsmoke! haha.. ^^
ReplyDeletenatawa tuloy ako naisip ko kac parang baby damulag ka lng nun n tumatakbo sa buong university nyo hahaha...
ReplyDeletehaha, pag natuloy ung balak namin, balik mendiola ako =p
ReplyDelete@Nimmy: oo kelangang mag-drop ng names para di maging abusado sa pagiging skip reader. haha!
ReplyDelete@YJ: Pukiloo! walang kwentang comment.
@Glentot: fuck you too!
@kikilabotz: merong nag-text. professor ko. JOKE! hahahaha!
ReplyDelete@K: naku, last na yun. haha!
@trav: oo, nakakamiss talaga lalo na pag naaalala mo mga kabulastugan at katarantaduhan natin nung nag-aaral pa.
@sendo haha! salamat pa din sa advice :p
ReplyDelete@oliver: anong meron? MBA? LAW? naks naman!
batang mendiola din ako
ReplyDelete=)
btw, dalaw ka ke raft3r
3 years old na ang blog nya
hehe
@rafter: wow! beda ka din? nice!!! :)
ReplyDelete