Mahilig ako sa mga Asian foods gaya sushi, sashimi, ramen, champong at kung anu-ano pang noodles. Pero isang bagay ang kanilang common denominator - ang chopsticks. Bata ako eh natutunan ko na kung paano gumamit ng chopsticks. Mahilig kasi ako sa lucky me pancit canton. Masarap kasi ang mag-canton lalo na pag malamig lalo na sa likod ng Mapua, yung cantonan dun. Hehe.
Lately, napahilig ako sa pagkain ng Korean noodles na nabibili sa isang Korean convenience store sa may Ortigas. 'Yung chopsticks nila ay yung ordinary na kahoy.
Maniwala man kayo o hindi, laging di pantay ang pagkaka-hiwalay ko sa kanila. Laging tabingi na halos minsan ay hirap na akong gamitin.
Napagnilay-nilayan ko (honglolim!) na ang chopsticks ay pwedeng ikumpara natin sa buhay.
Simulan natin dun sa paghahati nito sa gitna. Una, kapag minadali mo ito ay minsan natatabingi o hindi pantay. Mahirap kumain pag tabingi. Parang mga decisions natin sa buhay, kapag sige lang ng sige sa pag-decide at tila di ka nag-iisip, ikaw din ang mahihirapan sa bandang huli. Kaya para mas maganda ang outcome eh hinay-hinay sa pagdecide at gawin ito ng maayos para pantay at hindi tabingi. Slowly but surely.
Ikalawa, may ugali tayo ni tinatasa muna ang chopsticks bago kumain para tanggalin ang mga pwedeng makasamid sa lalamunan. Hindi naman kasi masarap kung nakalulon ka ng kawayan di ba? Ganyan din ang buhay, minsan kelangan tayong dumaan sa pag-tasa sa sarili natin para matuto at maituwid ang pagkakamali. Masakit nga minsan ang karanasan pero madalas dun naman tayo matututo. We learn mostly on those things the hurt and disappoint us.
Ikatlo, napansin ko ang mga Singaporeans eh hindi Lang chopsticks ang ginagamit kundi may spoon sila na pang-congee o soup. Ginagamit ito para makuha ang sabaw sa kinakain. Ang kahulugan lang yan eh mas ok kung may karamay ka, meron kang kasama kasi mas madami kang nagagawa at napapadali ang buhay at higit sa lahat eh mas masaya. Tignan din natin sa chopsticks, walang kwenta kung nag-iisa lang sya kaya dapat laging may kapares.
Ikaw, para ka din bang chopsticks?
Ako parang noodles! Haha
ReplyDeleteako din parang noodles.. nage-expand ng nageexpand LOL!
ReplyDeleteAhahaha may ganung paghahambing talaga. Tingin ko yung chopsticks eh dapat may butas rin para pwede gamiting straw sa sabaw.
ReplyDeletewowowowow! honglolim nga! :)
ReplyDelete@ahmer: ano namang meron sa noodles?
ReplyDelete@roanne: naks nage-expand? horizontally? hehehe
@glentot: napaka-clever mo talaga! kung anu-ano ang naisip, at ang straw naman eh pwedeng patigasin ng konti para maging chopsticks di ba?
@Nimmy: singlalim ng balon? hehe
Andy, ang chopsticks ay para ring pag-ibig. Hindi magwowork kapag isa lang. Taob. Hahaha.
ReplyDelete