Monday, September 6, 2010

ADOBO 101



Nawiwili ako sa pagluluto ng baon ko sa opisina araw-araw. Kung anu-anong klaseng experiment ang ginagawa ko sa kusina para lang mapasarap ang luto. Mahilig ako sa food pero di halata dahil sa tikas at gandang lalake ko talaga, di gaya ng iba dyan! Bwahihi!

Isa akong GI –Genuine Ilocano kaya lumaki ako sa province na mahilig talaga sa mga home-cooked meals. Hindi naman ako pihikan sa food pero alam ko kung paano sabihin kung sumptuous ang ulam o kaya pang-carinderia ni Aling Cora sa may kanto dito sa Sampaloc.

Likas na mahilig magluto ang peyrents ko. Si daddy eh masarap magluto ng lutong Ilocano gaya ng pinakbet na may chicharon, simpleng malunggay na may bulaklak ng kalabasa at kung anu-ano pa. While my mom cooks those something like in Western, you know? (Insert that American accent at pataas ang tone nung last 2 words.)

Pero ako, isang palpak sa kusina kaya nga pinagtiya-tiyagaan kong pag-aralan ito. Ayoko namang magutom ang aking magiging wifey pag ikakasal na ako no!

So heto, nagluto ako ng aking adobo:

Ingredients:

4 cloves garlic

1 cup of toyo at suka

1 kilo chicken

1 gram of paminta (Yes, talagang 1 gram lang at kelangan mo itong sukatin)

3 leaves ng laurel (optional, di ko na nilagyan yung sa akin kasi ayoko ng amoy)

1 cellphone (dapat may load kung hindi naka-linya)

1 number ng iyong magulang (pwedeng si daddy o si mommy at dapat reachable sila)

Procedure:

Pag-halu-haluin ang mga ingredients at lagyan ng kaunting tubig. Kapag malapit ng matuyo habang nakasalang, tawagan ang iyong papi o mami at tanungin kung ok na. Dapat ok ang pagdescribe mo sa anyo na ng niluluto kasi baka ito ay hilaw pa o kaya sunog na.

Easy lang di ba? Oh sya, maglalaro muna ako ng plants vs. zombies, ina-atake na ako ng water zombies na nakasakay rubber duckie. Haha!

Bon apetite!

17 comments:

  1. Wow wow wow. Gusto ko din magluto ng baon ko sa opis kaso wala akong time. =[

    Gusto ko na talaga mag-apartment malapit sa trabaho para pwede ko din gawin 'to. =]

    ReplyDelete
  2. Procedure:

    Pag-halu-haluin ang mga ingredients at lagyan ng kaunting tubig.


    bakit parang andami mong inilagay? :P hehehehe

    ReplyDelete
  3. Kelangan bang isasama sa ihahalo ang cellphone at number ng ermats at erpats?! lol... patikim ka naman ng luto mo... Willing sila Jepoy sa ganun tingin ko...lol

    ReplyDelete
  4. Naknampooch! Napakagastos na adobo yan! May halong cellphone! Hahaha! Patikim naman ako nyan! :D

    ReplyDelete
  5. Lagot ka nahurt ang feelings ni Jepoy!

    ReplyDelete
  6. "Mahilig ako sa food pero di halata dahil sa tikas at gandang lalake ko talaga, di gaya ng iba DYAN! [insert my link] Bwahihi!"

    Ah ganon! Dahil dyan ito ang masasabi ko sa pag luluto mo...

    Lagyan mo ng maraming PAMINTA para mas maging SPICY ng tunay at wagas...

    ReplyDelete
  7. mukhang naman syang masarap!

    naks pwede ng mag-asawa.......kusinero!hehhee

    ingat

    ReplyDelete
  8. @Pipo: Naku mahirap mag-isa nu. mas masarap yung kasama mo peyrents mo para ipagluto ka nila ng mga home-cooked meals talaga. :)

    @Chingoy: haha napadami nga pero masarap pa din.

    @Xprosiac: sige, lipad ka dito sa manila at ipagluluto ka namin pero sayo ang ingredients. haha!

    ReplyDelete
  9. K: i know, right? haha! sige basta tikiman tayo ng adobo. bwahihihi! bashtush!

    @Glentot: honga, kaw kasi. nagchuri na ako.

    @Jepoy: churi na jepoy peks, hayan iniba ko na yung link. bwahihihi!

    Drake: pwedeng-pwede ng mag-asawa para may magluto sa akin. haha!

    ReplyDelete
  10. saya naman paborito ko ang adobo. actually sa probinsya, laging adobo ang ulam, adobo sa umaga sa tanghali at sa gabi.. abobong baboy
    adobong bangus adobong manok pati adobong dinosaur hehehe

    gusto ko to(Easy lang di ba? Oh sya, maglalaro muna ako ng plants vs. zombies, ina-atake na ako ng water zombies na nakasakay rubber duckie. Haha!)

    anung level ka na? survival o endless? ilang flags na hehehe

    adik din kasi ako

    ReplyDelete
  11. Hoy puta ka binago mo nga ako naman nilagay mo! Mas defined kaya ang abs ko.

    ReplyDelete
  12. Tsaka bakit ganyan ang adobo mo hilaw yung manok?

    ReplyDelete
  13. Parang di masarap ang adobo.
    @glentot : ABS? Ahhhh Bigger Stomach Nyahahaha

    ReplyDelete
  14. luto na ba ung adobo sa pic? LOL! masarap din ung adobo na matapos pakuluan sa toyo at bawang, iprito muna para maglangis tapos tska iluluto ulit sa sauce na pinagpakuluan. :)

    paborito ko ang adobo, lalo na ung madaming langis... kakamis... makapagluto nga rin ng adobo.. :)

    ReplyDelete
  15. Nag-try din akong magluto ng adobo dati kaso hindi ko alam kung anong nangyari naging lasang lechong paksiw. Ampf.

    ReplyDelete
  16. parents to the rescue! astig ah. hahaha

    nagutom ako bigla!!!

    ReplyDelete
  17. @Rico: easy lang magluto, kumbaga eh 10-minute kitchen wonder sya. hehe. tapos na ako sa plants vs. zombies. iphone edition naman ang pinapatos ko ngayon. haha!

    @glentot: wag ng makialam, edible naman sya!

    @ahmer: hahaha a bigger stomach yun!

    @Roanne: isipin mo na lang, naluto yan. hehe. uyy ganyan din ginawa ko kaya sobrang sarap. hehe

    @Gas: hahaha! hayan, pag gusto mong magluto ulit ng adobo eh yan na ang cookbook. :)

    @Nimmy: go! luto na din :)

    ReplyDelete

tuff it out and leave a footprint :)