Lagi na lang eh nakikinig dun sa parang rated-PG na program sa isang FM station, yung jologs station sya eh. Madalas kasi ang usapan eh puro kalibugan na ewan. May tumatawag sa telepono at syempre entertain to the max ang DJ hanggang sa mauwi sa kwentong kamunduhan ang topic. Di sa nagmamalinis pero kasi wala talagang kakwenta-kwenta ang pinaguusapan, napaka-UNintellectual. Mga tipong ang words eh part ng body na hinalintulad sa "alkansya" o kaya "push-the-button" at "banana."
Kagabi, kakaiba naman ang caller. Isang graduate ng high school sa valenzuela at papasok na sya ng UE caloocan sa susunod na school year. Umiiyak ampota kasi baka daw iwanan sya ng bf nya na uber wafu daw na papasok pa lang ng 4th high school. Ayaw daw nilang maghiwalay. Ampota ambabaw nya, pukashells nyang emo.
Kaya humingi sya ng advice sa DJ kung dapat ba syang tumuloy ng college kasi ayaw nyang magkalayo sila. At baka daw kung sakaling pumasok sya sa college eh mahumaling ang bwakaninang jowa na uber wafu daw sa ibang babae. Eh bwakaninang anong klaseng pag-uutak yan?! Uminit lang ang dugo ko. Napakababaw nya. Kung pwede lang sumabat at sabihing tumalon na lang kaya sya mula sa mga nagtataasang billboards sa guadalupe.
Ganun na ba kababaw ang paguutak ng mga kabataan ngayon? Nagiging emoterang froglette na sila? Sa totoo lang eh naiirita ako sa mga taong ganyan. Yung iba naman eh may tipong suicidal attitude.
Hay kung sabihin ko ding sabihin sa kanya na hiwalayan nya ang jowa nya kasi wala syang tiwala sa kanya. At kung ayaw nyang tumuloy ng college dahil sa college eh tumalon na lang sya sa ilog sa guadalupe tapos magpakalunod. Sinasayang lang nya ang kanyang buhay eh.
Pasensya na mga kapatid. Stressed kasi ako sa work tapos ganun pa ang maririnig mo kasi sa radyo.
***
At bago matapos ang araw na to, may isang balita nanaman kaming natanggap sa office. Ang tax namin na dating 15% eh magiging 32% na. Pukashells talaga! Wala ng matitira! :'(
Baka panget si ate kaya natakot mawalan ng gwapong boyfriend kasi pakiramdam nya once in a lifetime lang yun. Yun yun. Kaya tama ang naisip nyang wag na syang mag-college, dahil boba naman sya.
ReplyDeleteNalungkot naman ako sa news na nareceive nyo from the office, pero alam mo hindi naman kasi dapat 15% lang ang tax nyo. Alam mo yan! LOL Eh ako mulat sapul 30% na ng tax ang pukang amang kinakaltas para ibigay sa Gobyernong syit buti sana kung nawawala ang traffic sa edsa pag rush hour, nyeta!
ReplyDeleteTungkol naman sa station sa cab na napapakinggan mo eh walakang pakialam kung gustong mag emo ng mga tao nasa paligid mo. Ang axis ng mundo ay hindi lamang umiikot sayo and besides hindi masamang mag emo. Teka hindi ako galit nag eexplain lang. Pero true ang kitid ng usapin ng station na yan kaya ako hindi nag cab, MRT nalang me LOL
kay Papajack ba yung fm station na yan?
ReplyDeleteconfirmed na ba yang adjustment sa Tax?
Ahahahahhahahah feeling ko rin ke papajack yan... naku simple lang yan... madalas di naman totoong humihingi sila ng payo... nagpapakanaughty lang kasi da notyer da beter... jijijijiji... so kung aabot na ng 32% ang tax mo meaning nagoover 60k/month na kayo sa salary niyo... congrats! paburger ka naman! jejejejejeje
ReplyDeletefile ka as head of the family... :)
ReplyDeleteay. iritable hehe. kulang ka lang uhuh! -- moreducation@gmail.com
ReplyDeleteOMG! so that mean ang babaw ko.. ;) kasi ganyan ako minsan..
ReplyDeletepero anyways.. i agree that trust is a very important thing. ;)
Tama ka si Papa Jack yan ng Love Radio (kailangan pa bang imemorize yan?), at wild confession yang pinapakinggan mo.Hhahaha! Bakit ko alam, kasi jologs ako at pinapakinggan ko yan kahit nasa Saudi ako. LOLS
ReplyDeleteUyyy kunwari di nakikinig, eh hayun na nga sobrang affected na affected ka!hahaha
Teka lately nag-eemo ka, tapos ngayon parang may regla ka, hindi kaya............ BITTER ka lang?Hahaha! Joke lang! peace tayo
Ang isang radio station ay depende sa anong klase ng listeners meron sila. Masses ang kanilang listeners kaya kailangan makiayon sila sa mga masa. Unfortunately si Manong Driver at ako ay nabibilang sa mga MASA.Hhehee
Tungkol kay ate emotera, wala di totoo yun. Maniwala ka bibihira ang babaeng nagpapatiwakal. Emotional lang sila pero di naman sila suicidal!hehehe, kaya wag kang highblood
Ingat
nakakainis talaga. pero di natin masisi. because of mass media, people put so much premium on love. more so than other things like a proper education, career, family etc.
ReplyDelete