Wednesday, May 18, 2011

CHEF WANNABE


pasensya na kuya chingoy if i used your title to be my post kaya alis muna dyan. LOL! anyway, since dad left to somewhere somewhere and mom is rendering overtime work daily at the office, ako na ang naging all-around boy. ampota, ang hirap pala ng maging houseband!

on the brighter side, dahil sabi nga nila na napabayaan ako sa kusina nung bata ako, pinanindigan ko na din lang ang pagluluto. kaya kaninang hapon, hinalungkat ko na ang laman ng ref at napagtanto kong meron na akong pang-pinakbet. sa totoo lang, sinubukan ko nang magluto ng pinakbet nun pero fail talaga. kung hindi hilaw eh sobrang alat.

kaya kanina ay pinagtiisan ko itong gawin. at ang resulta? simot ang niluto ko. whew! salamat sa bagnet. :)

Monday, May 2, 2011

HOMESICK


Malapit na akong mag-isang dekada dito sa Manila. Ginugol ko lahat ito mula nung nagsimula akong pumasok ng college hanggang sa magkatrabaho.
Lahat naman siguro ng promdi na kagaya ko ay naranasan ang separation anxiety. Mahirap talaga kapag tinamaan ka ng ganitong sitwasyon. Yung mga taong pwede mo sanang takbuhan ay nasa malayo.

Hindi naging madali sa akin ang mag-adjust lalo na at perstaym kong masalta dito ng mag-isa. Putek, para akong baliw nun, meron akong notebook nun na maliit at nakalista kung ilang araw na lang ang natitira bago mag-sembreak. Minsan nga pag tinatawagan ako ng nanay ko sa telepono, umiiyak ako pero di ko pinapahalata sa kabilang linya. Nakakahiya! Haha!

Nakaraos din naman ako ng ilang buwan at nasanay na akong mag-isang mamuhay dito sa siyudad.

Subalit, datapwat, pero, ewan ko ba kung anong nakain ko kanina at bigla na lang ako naging emo. Bigla na lang akong nahomesick at gustung-gusto kong umuwi ng probinsya. Kung maaari lang sana kaso syempre kelangan ding isipin kung may budget at kung papayagan ba ako ng trabaho ko.

Sa totoo lang, sinisisi ko ang sarili kung bakit ako nagkaganito ngayon araw na to. Ikaw ba naman kasi ang humilata maghapon at walang gawin? Nagkaroon na ng rotation ang earth pero nasa kama pa din ako. Hindi ko man lang nasilayan ang tanawin sa labas. Ganun palagi ang dahilan kung bakit ako nahohomesick.



plane spotting at the rooftop. 1 departing and 1 on its final approach


Kaya ginawa ko, umakyat na lang ako sa rooftop, nag-plane spotting habang hawak ang isang bote ng beer at isang stick ng yosi. Ayos din kasi mahangin sa rooftop at tila pinawi ng hangin ang aking kalungkutan. Naks!


 

- Posted using BlogPress from my iPad