Malapit na naman ang Pasko. Malamig at mabango na ang simoy ng hangin basta wag lang umutot yung katabi mo sa bus. Hehe.
Heniway, wala namang kuneksyon ang post ko sa Christmas. Tungkol kasi ito sa tuff 10 wishes ko. Tutal nangangarap eh lubus-lubusin ko na din. Pagbibigyan nyo na ako hehe:
1. Gusto kong magkaroon ng sariling mcdo sa loon ng aking bahay na parang si Richie Rich. Kapag nagutom ako eh punta lang ako sa counter at sabihin ko lang ang gusto ko. At dahil sa akin yung mcdo na yun eh lahat libre! Gudlak na lang sa fats! Haha!
2. Nung bata ako eh wish kong makasakay ng heyrpleyn. At dahil medyo nagsawa na ako sa pagsakay (hangyabang lang! Haha) eh gusto ko namang ako ang maging piloto! Kaya pinag-iipunan ko na yung angeles flying iskul, kasama dito Sinai roanne at ahmer. Di na nga ako kumakain para lang may pambayad. Lol!
3. Heto medyo seryoso. Gusto kong magkaroon ng gasoline business. Parang anlaki kasi ng kita at tipong di ka malulugi given na maganda ang location. Lahat naman kasi ng sasakyan eh pinapatakbo mg gasolina kaya kelangan ka nila. Ikalawa dyan eh isang resto business. Alam nyo naman na pinalaki ako sa kusina kaya malapit ako sa pagkain. Hehe
3. Wish kong maka-apak sa New York pero as a tourist lang. Gusto kong akyatin ang empire state at kumanta ng "New York! Kangkong kangkong garlic tomato!" haha. Gusto ko ding mag-piktyur sa may isteychu op liberty.
4. Gusto ko ding pumunta ng Japan pag spring na. Parang hangganda kasi pag namulaklak na ang mga cherry blossoms with matching nagbibiskleta ako dun sa park. Emo epek lang Haha!
5. Wish kong i-spoil ang mga bulilit kong mga pamangkjn sa mga bagay na di ko naranasan nung ako eh bata pa. Lumaki kasi ako sa hirap at ngayong medyo nakaluwag-luwag ng konti eh gusto ko silang tulungan. Ayokong hindi nila ma-enjoy ang kabataan nila at makapag-aral da magandang iskul at hindi dun sa isang public school kung saan alo nag-aral at kapos gamit gaya libro.
6. Wish ko eh mai-tour ko peyrents ko kahit dito man lang sa Asia. Kaya sa mga mabubuting tao dyan na pwede kaming patirahin eh maawa kayo para naman libre na ang accomodation. Lol! Pwede na siguro sa Ho Chi Minh, Singapore o Macau. Itext nyo lang ako sa 0917-andypog kung ok lang. Grabe nagkalat pala kayo at pwedeng-pwede ko kayong bisitahin anytime, basta aampunin nyo ako. haha!
7. Gusto kong makapag-work na sa ibang bansa at mag-join sa OFW club. Hehehe.
8. Macbook pro. Enough said. :-)
9. Masaya na ako kung magkakaroon ako ng entertainment showcase. Isang 42" LED (ayoko na ng LCD) TV, Bose 6.1 surround sound system at 5 lazy boy chairs. Haha!
10. At higit sa lahat, nakahanda na ang singsing, wala nga lang mapangasawa. Lol!
O diba, simpleng-simple lang ang mga wish ko s buhay at sana isa man lang dyan eh matupad ko na kahit di man ngayon eh next year. :-)
- Posted using BlogPress from my iPhone
At pag nasa New York ka na, call me... malapit lang ako dun. :P
ReplyDeletego travel! sayang naman promos ng mga airlines.
ReplyDelete@Tristan: sige sige, ikaw ang taga-picture ko. lol!
ReplyDelete@domjullian: madami ngang promo kaso pamatay naman ang mga dates, di ko kaya. hehe.
yung number 8 -- iphone 4 yung last nabasa ko yan ah. pinalitan? haha
ReplyDeleteako sana ang tutupad ng wishlist number 3 (yung pangalawang 3) mo kaya lang naisip ko, walang empire state at isteychu op liberty sa New Yokr (Cubao) :P
ReplyDeleteHaha oo nga! dalawa yung number 3 ko! lol!
ReplyDeletesige, since walang empayr isteyt sa new york (cubao), isang new york pizza na lang. haha!
hehehe cool list...so this is your blog!?nakita ko rin... :)
ReplyDelete