I took the express elevator on our office building to reach our floor faster. The first stop of the elevator is on the 15th and we're on the 14th so I have to take the stairs. While I was on the stairs, I chanced upon this 25 centavos on one of its steps.
I took it and put inside my pocket. Napaisip ako at oo, nag-emo emo ako dahil sa baryang yun. Wala na bang halaga ang bent'singko sa mga madlang people ngayon at parang itinatapon na lang? I have this perspective that every penny counts. It means a lot for me especially when I think of our situation during my childhood years.Lumaki ako sa isang mahirap na bayan sa probinsya ng Ilocos Norte. Simple lang, payak ang pamumuhay ikanga (syet medyo malalim yun ah, di ko kineri). I grew up without a family computer, Atari or Nintendo. Hanggang ngayon nga eh ni-PSP or Wii eh wala. We used to have blocks of woods which came from those houses that were under construction. We imagine them as trucks or toy cars. We seldom have toys bought from the department store. Lobo nga lang eh masaya na kami, at mas masaya pa kung yung laruan eh yung may mga manok na tumutuka habang umiikot yung isang itlog na sinlaki ng holen sa baba.
We also tried having tuyo as our dish for a month. At dahil medyo maarte ako, pinagdidiskitahan ko na lang yung Milo na ulamin. I know medyo mapalad na kami na nag-uulam ng tuyo kesa naman sa wala. I always imagined of hotdogs and pork and beans that time. I thought that those processed foods will be enough for me to live until I grow old. Di ako magsasawang ulamin sila.Come kindergarten years, I only have a piso as my baon. Although that was around 1993, yung piso na yun eh sapat na para bumili ng zoom-zoom o kaya cheez-um o dalawang cheese hotdog na chichirya para pantawid gutom. Medyo may kamahalan na sila ngayon. During those times, we used to walk more than a kilometer going to school and we have to do that once in the morning, twice during noontime because we go home for lunch and another flight in the afternoon. I was so dark. We have to brave the scorching heat of the sun because we can't afford a 2 peso fare for a jeep ride.
When I was entered elementary, my mom brought me to a private school. Medyo naging ok naman na konti ang kalagayan naming nun. Pero yung allowance ko eh nasa dalawang piso lang. Sapat na para pambili ng palamig o buko juice sa canteen kasi may dala-dala naman akong bread na ang palaman ay peanut butter. Nagsasawa na din ako nyan nun. Nagdidiwang na ako nun pag nakabili ako ng Chippy na tig-3 piso pa ata nun.May time pa na minsan eh walang maibigay si Nanay na baon so she'll just give me banana as my snack. Hiyang-hiya ako nun kapag recess na at hindi ako mapakali kung papano ko kakainin yung saging. Yung mga classmates ko kasi eh bibili sa canteen ng mga Chippy o kaya yung tig-5 na pansit. Kaya ang ginagawa ko, pumupunta ako sa kadulu-duluhan ng playground para kainin yun. Di ko naman kasi matiis ang gutom ko. Yung faucet na lang din ang last resort ko na panulak. Minsan napapaluha ako nun na sana din a lang ako sa private school.
Kaya nung papasok ako ng high school eh pinilit ko ang nanay ko na sa balik na lang ulit ako sa public school. Pinag-awayan pa namin yun at iniyakan ko. I know the dilemma of going to a private again, how much more criticisms will I receive. But all of those reasons, sabi ko na lang sa nanay ko na para makatipid sila sa akin. Pinagbigyan naman nila ako. I prioritized my studies when I was in high school and dreamed of becoming one of the honor graduates. I wished to enter UP or be a scholar in a university. Lahat ginawa ko, nagsumikap. Pero sadyang mailap ata ang dream na yun pero at least eh nakasama ako sa star section. Hehe.Heto na, college na. Di nga ako nakapasa sa UP Diliman at ayoko naman sa Visayas. Dili ko ganahan mag-aral didto, layo man sa family at dili ko pa kabalo mag-bisaya. Sinabi sa akin ng nanay ko na igagapang na lang daw nila ang pag-aaral ko basta magsumikap lang ako. Kaya pinasok nila ulit ako sa isang private school na di ko inaakalang papasukan ko sya. Ay no, di na naming keri sa Green Pasture at sa Blue Sky, mahal na masyado. Baka di na kami kakain nyan basta makapag-aral lang ako.
Binalak ko mang mag-part time noon eh pinagbawalan daw ako. Naawa din kasi ako sa parents ko na laki ng ginagastos sa akin. Umiiyak ako nun pag malapit na ang bayaran ng tuition fees kasi alam ko kung gaano kahirap maghagilap ng pambayad. Kaya talagang nagsumikap na lang ako sa pag-aaral. Iniwasan kong magka-syota (kaya talagang virgin pa ako nun, haha) para lang focus ako sa studies ko. At salamat sa Diyos eh pumasa naman at grumaduate on-time. At kung ano man ang nakuha ko noong graduation eh inaalay ko sa aking magulang. Hindi para sa akin yung diplomang yun kundi para sa kanila.Kaya ngayong may trabaho na ako ay hindi ko pa din nakakalimutan kung paano ako nagsimula, kung gaano kaliit ang mabibili mng bawat barya ay mahalaga para sa akin. Pinupulot ko kung may makita ako at iniipon ito kasi sa darating na araw eh lalaki din ang halaga nila.
O bonggang bongga ang kwento ko di ba? Dahil lang sa bentsinko na yun eh nagkaroon ako ng moments at nakagawa pa ng napakahabang post ng talambuhay ko? Sino kaya ang makakapagbasa ng napakabang ito? Hahaha!Napost ko itong emo-shit na'to dahil sa malahayup na istorya ng buhay ni Pareng Drake! ;-)
Wala akong masabi kundi....ASTIG! salamat nga pala sa pagpuplug ng akong blog! Labyu pre!pakiss nga!hahaha
ReplyDeleteat tungkol sa ulam nyong tuyo, hindi ako naniniwala dyan kasi may pambili kayo ng Milo tapos ulam nyo tuyo??hahhaha! joke lang! Yung milo kasi sa amin luho na yun! Cocoa lang ang pinapapak ko na may asukal lang!
Sabi ni Jepoy, kutis mayaman ka daw eh!heheh!ikaw na ang mayaman!hahaha!
Pero kakahanga lang yung mga ganitong istorya! Kaya sobrang taas ang kamay ko sa iyo pre! Isang bagsak!PAK!
Ingat
"mga manok na tumutuka habang umiikot yung isang itlog na sinlaki ng holen sa baba"
ReplyDeleteAhaha may ganyan ako noon! Shyet kakamiss yung toy na yun ah...
Impairness andami talang naiinspire ng hayup na Drakula na magpost ng mga kwento ng kung gaano kahirap mabuhay noong mga unang panahon...
mag-emo rin kaya ako sa next post ko?
Nice post... at least may life lesson kang natutunan...
Okay may nauto nanaman si Drake this is not effin' happening... LOL
ReplyDeleteWell... like you're not naman taga province because of the way you make sulat, I know right?! You're like so sasyal as ennnn. I mean so yaman..hihihihi
Nakita ko na ikaw ay taga beda ha! Hongzuzyal talaga! may pahirap hirap factor ka pa dyan. Akin na gn 25 cents mas kelangan ko yan! Go!
:-D
wen manong!
ReplyDeleteako nag start baon ko for Php 1.50. I graduated from elementary @ Php 7.
Kids are really lucky nowadays
@Drake: correction, di ako kutis mayaman, kutis artistahin ako. nyahahaha! labyu too pre, heto kiss - MWAAAAHUUUGSSSS! hayan may hugs pa. *apir*
ReplyDelete@glentot: hayuf di ba? haha! post ka din ng isang ma-emo na post mo kung paano ka napulot sa lansangan at inampon. lols! *peace* mwahugs!
@Jepoy: i know, i know. when i was a kid, we make salita like this so i'm a grown-up conyito. hahaha! omg, paano mo nalaman ang mga ganyang info? leche ka! stalker galore ka!
@domjullian: infairness umasenso ka nung nag-Php 7. Taga ilocos ka din ba manong? hehe.
Wow.. dahil lang sa 25 cents.. Ibang level! hindi ko kinaya.. pero nagustuhan ko ang MORAL LESSON..
ReplyDeleteMake Love not WAR. ;)
bilib ako sa iyo andy boy... at sa lahat ng mga nagpagpunyagian ang kahirapan...
ReplyDeletemas malayo pa ang mararating mo kaibigan!
@dhon: 25 cents lang yang kwento na yan, pano na lang pag P100 di ba? mas madrama? hehehe
ReplyDelete@chingoy: at dahil dyan, di na lang kape kundi ilabas na ang The Bar. hehehe :)
natawa naman ako dun sa portion na pupunta ka pa sa kadulu-duluhan ng playground upang kainin ang saging hehe. tsk-tsk. nyeta naman naalala ko rin beginnings ko kung kelan namang nakakalimutan ko na. pero sabi nga (nino? ewan) ng iba, look back and be proud kung wala kang makita to be proud about eh di nakakaawa naman. at least you have your share of past struggles para may meaning ang present challenges mo. Mmmm, ma-try ngang magbalik-tanaw rin... -- moreducation.weebly.com
ReplyDeleteAkalain mo iba na talaga ang nagagawa ng 25 centavos ngayon... nageemo na! jijijijijiji... hay naku wala ako mashare kundi nagenjoy din ako sa manok na may itlog noon... jijijijijiji
ReplyDelete@Random: haha hauf talaga si Drake kaya daming sumunod sa yapak nyang magbalik tanaw.
ReplyDelete@Xprosaic: kaya nga sa sabi ko, 25 centavos pa lang yan eh ma-emo na. pano na lang kung mas mataas ang halaga, baka mamaya makita mo na lang na tatalon na sya sa may billboard ng guadalupe dahil sa sobrang emo. nyahaha.
so kabalo ka gale mag bisaya : )
ReplyDeletei can relate' when i was a kid inever had a chance to play 'kahit mag jackstone o mag dampa' ay di ko na experience haha todo sunog kilay talaga' kaya nga naman nung 2005 lang ako nagkaroon ng cellphone eh' haha : D
ReplyDelete@ahmer: naks! pero sabi naman nila dapat may playtime ka din to socialize and test your motor skills di ba? hehe
ReplyDeletemadami na akong oras ngayon para sa Playtime nayan Nyahahaha : D
ReplyDelete